Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mordido kinalos Ecuadorian

0 49

Kinaldag ni Woman International Master Kylen Joy Mordido si Analia Karen Miranda upang giyahan ang 39th seed Team Pilipinas sa pagtabla kontra 65th seed Ecuador sa 44th Chess Olympiad 2022 women’s division sixth round Miyerkoles ng gabi sa Four Points by Sheraton sa Chennai, India.

Pinagpag ni Mordido si Miranda sa board 4 upang ilista ng Nationals ang seven match points at sumalo sa 48th place sa 11-round Swiss, 12-day, 149-team, 147-nation biennial event na binuksan noong Hulyo 28 at tatagal pa hanggang Agosto 10.

Bumakas ng tigkalahating puntos sina WIMs Jan Jodilyn Fronda at Marie Antoinette San Diego nang tablahan sina Woman Grandmaster Carla Serrano Heredia sa top board at Josselyne Mendoza Penafiel sa board 3.

Tumaob naman si Woman Fide Master Shania Mae Mendoza sa board 2 laban kay Anahi Verdezoto Ortiz patungo sa pagpapahinga Huwebes ng torneo bago magpatuloy ngayong Biyernes na rito’y katapat ng mga Pinay woodpusher ang 60th seed Bolivia.

Namamayagpag ang host country (India) sa 12 match pts. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.