Abante Tonite Interactive

Mordido kumatok sa WGM title

193

Lumalapit si teenage sensation Kylen Joy Mordido sa pagiging pangalawang Woman Grandmaster ng bansa tapos bulagain si International Master Han Myint ng Myanmar sa eighth at penultimate round ng SOE International Open 2019 sa Myanmar.

May ELO rating na 1934 si WIM Mordido, nasilo ang second WGM norm pagkatiris kay Myint, (2257) at itarak ang 2498 performance rating papasok ng ninth at final round.

Kahit natalo si 17-year-old Mordido sa last round kontra GM Stefan Djuric ng Serbia (2371), mananatili sa kanya ang nasabing pangalawang nasabing norm.

Nahablot ng Dasmariñas, Cavite-based sa nakaraang taon ang unang norm nang manalo sa premier girls’ 18-under division ng Eastern Asia Youth Championship sa Korea.

Ayon kay FIDE Master Roel Abelgas, ang coach ni Mordido, sisikapin nilang makuha ang pangatlong norm pagsali sa tatlong tournaments na gaganapin sa India sasusunod na buwan.

“We will do our best to accomplish it in India where we are entered in three tournaments there,” saad nitong Miyerkoles ni Abelgas.
Unang naging WGM ng ‘Pinmas si Janelle Mae Frayna. (Elech Dawa)