Abante Tonite Interactive

#MoreFishNotPlastic

169

sulat ni editor

Dear Abante Tonite,

Magandang araw mga ka-abante, nais ko lamang iba- hagi ang tuwa na aking nararamdamang nang mabalitaan ko na ang lalawigan ng Cauayan, Negros Occidental ay nagsusulong na rin ng mga programang pang kalinisan.

Related Posts

Patay na kuko

Nag viral ngayon ang ZERO-WASTE CANTEEN sa Bulata National Highschool sa nasabing bayan. Imbes na plastic ang gamitin ay repurposed coconut husts at bamboo chunks ang kanilang ginagamit upang paglagyan ng mga pagkain sa kanilang kantina.

Pinapalawig din ng eskwelahan ang #MoreFishNotPlastic para sa kampanya laban sa single-use plastic. Nakakamangha ang proyektong ito lalo pa’t isa ang kantina ng mga paaralan sa kadalasang gumagamit ng mga plastic. Sa dami ng mga mag-aaral na bibili ay siya ring dami ng plastic na nagagamit ng isang beses lamang at itinatapon (ikinakalat) na lamang pagkatapos. Ang proyektong ito ay nagmumulat sa murang isip ng mga kabataan na kailangan din nilang maging katuwang sa pagsulong ng kampanya sa pangangalaga ng kalikasan. Patunay na rin na maliban sa segregation at reduce, reuse, recycle ay pinaiigting na rin ang ganitong adhika upang mamulat ang susunod na henerasyon sa kalagayan ng wastong pangangalaga sa kalikasan.

Ang mainam pa nito, dahil nagsimula ang proyekto sa isang paaralan ay maari rin itong ipatupad hindi lamang sa mga paaralan sa Negros kundi sa lahat ng paaralan sa buong Pilipinas. Pasasaan ba at makakasanayan din natin ang magmalasakit sa kapaligirang kumakalinga sa atin. Hindi pa huli ang lahat lalo na kung magsisimula na tayo ngayon. Sa pagkakaisa ng bawat tao ay may malaki at kamangha-manghang pagbabago.
Rochelle ng San Vicente, Bulacan