Abante Tonite Interactive

Morenang aktres napipisil maging Darna

0 552

On-going pa rin as of press time ang search for the next Darna. Nadiskaril ang mga naunang napili na sina Angel Locsin at Liza Soberano dahil pareho silang nagkaroon ng problem sa kanilang katawan.

Ayon sa Ibong Tiririt na nagtsika sa amin, mukhang malakas daw ang laban ng isang morenang singer na nag-audition na maging susunod na Darna.

Pagdating sa pag-arte ay wala pa raw itong napatunayan pero nagwo-workshop naman daw ito sa ngayon kaya kapag siya na ang magiging next Darna ay handa na ito .

Sa kantahan daw talaga unang napansin ito. In fact, kinilala raw sa ibang bansa ang kanyang ang-king talento sa pagkanta.

Well-endowed din daw ito meaning, swak siya as Darna dahil hindi na mahihirapan ang produksiyon na iparetoke ang kanyang dibdib dahil malaki na ito.

May height din daw ito at kung gugustuhin nito ay puwede rin itong maging beauty queen.

Tunog Chinese daw ang name nito pero yun na nga, hindi siya mukhang Tsina kundi Pinay na Pinay lalo na ang kanyang kulay. Hindi kaya masilat ito? (Timmy Basil)