Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mori nagbitiwsa Olympics

0 28

Tuluyang nagbitiw si Yoshirō Mori bilang president ng Tokyo 2020 Organising Committee dahil sa kanyang sexist na komento ukol sa babae na nagpasimula ng global outcry na nagtulak sa panawagan dito na mag-step down.

Ang 83-anyos na dating Japanese Prime Minister ay nagbigay ng kanyang resignation sa isang meeting kasama ang Tokyo 2020 Council at Executive Board members Biyernes.

SM food to go Banner Ad

Dahil sa pagbibitiw ni Mori, naghahanap na ng bagong lider sa loob ng natitirang limang buwan bago ang pagsasagawa ng rescheduled Olympic Games na nakatakdang magbukas sa Hulyo.

Si dating Japan Football Association President Saburo Kawabuchi ang siya naman nangunguna na pumalit sa puwesto bagaman iniulat na ayaw nito hawakan ang posisyon. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.