Abante Tonite Interactive

Morissette ‘di nag-walkout sa cosmetic brand event

640

Muntik nang masabit ang aktor na si Daniel Matsunaga nang haranahin niya ang isa sa mga awardee ng 2nd anniversary ng Beautywise Philippines at Moppa Cosmetics sa Okada Manila.

Nag-request kasi siya ng halik sa isang awardee habang hinaharana niya ito pero hindi tumugon ang babae. Kasama raw niya ang asawa. Pero siyempre, tuloy na lang ang aktor sa pagharana at naniguro muna sa mga awardee na single ang mga ito.

Bongga ang naging anibersaryo ng Beautywise at Moppa Cosmetics sa Okada, Manila. Bumaha ng pa-raffle at giveaways para sa mga nagsidalo.

Kabilang rin sa mga celebrity guest ay ang Brand Ambassador ng Beautywise na si Yuki Sakamoto.

Hataw naman ang performance ni Morissette Amon sa kanyang song and dance number. Nagbiro pa ang press na buti na lang walang walkout na naganap. (Rona Ronda)