Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Morrison sinungkit pangalawang ginto

0 49

Binawian ni Fil-Am Willie Morrison III ang homegrown na si John Albert Mantua sa men’s shot put habang itinala ni Hokett delos Santos ang bagong personal na best na 5.05 meters sa men’s pole vault Biyernes ng hapon sa huling araw ng Philippine Athletics Championships sa PhilSports track oval sa Pasig.

Nasungkit ni Morrison ang kanyang ikalawang sunod na ginto sa pagbato ng 17.06 metro sa ika-apat na tangka para idagdag ang gintong medalya sa discus throw nakaraang Huwebes sa umuusbong na magkakaibigang tunggalian sa pagitan ng dalawang medal hopeful sa 31st Vietnam Southeast Asian Games.

Si Morrison, na ngayon ay nakabase at tinatawag ang Baguio na kanyang pangalawang tahanan at protégé ni national coach Arniel Ferrera, ay maagang nanguna kay Mantua sa kanyang itinapon na 16.88 metro sa ikatlong hagis tungo na sa pagkasya sa ikalawang puwesto sa meet na inorganisa ng Philippine Athletics Track at Field Association.

Ikatlo si John Michael Fajardo ng Metasports AC (13.94) sa podium sa dalawang araw na pagkikita na suportado ng Philippine Sports Commission, Iligan City, G-Shock Casio, Chips Delight at Lily’s Peanut butter.

“This was a fine meet for me and I am glad that Joseph is here to really push me to do better and defend my shot put in the Vietnam SEA Games,” sabi ng 6-foot-3 Morrison, na runner-up kay Mantua sa Singapore Open may dalawang linggo na ang nakakaraan. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.