Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Morton, Rays sa World Series

0 37

Biyahe sa pangalawang World Series ang Tampa Bay Rays matapos hiyain ang Houston Astros 4-2 sa American League Championship Series Game 7 nitong Sabado sa San Diego.

Natalo ang Rays sa limang laro sa Philadelphia Phillies noong 2008 World Series.

Umariba ang Tampa Bay 3-0 sa ALCS pero natatluhang sunod din ng Astros. Yankees ang nag-iisang team sa Major League Baseball history na natalo sa best-of-seven matapos lumamang 3-0.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Haharapin ng Rays ang winner sa Game 7 bukas ng National League Championship Series sa pagitan ng Los Angeles Dodgers at Atlanta Braves.

Si dating Astros pitcher Charlie Morton ang starter ng Rays sa decider. Bihasa na si Morton sa mga Game 7s, nakapagpanalo na siya nito sa ALCS at sa World Series habang nasa Houston.

Sa loob ng 5 2/3 innings, namigay lang si Morton ng two hits at naka-strike out ng anim. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.