Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Most wanted inatake ng depresyon, nagbigti

0 221

HINIHINALANG dahil sa depresyon matapos makipaghiwalay sa kanyang live-in partner, nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti ang isang lalaki na may record na Most Wanted Person (MWP) sa loob ng inuupahang kuwarto sa Bacoor City, Cavite, Huwebes ng hapon.

Sa ulat ni Pat. Jerome Asid ng Bacoor City Police Station, ala-1:00 Huwebes ng hapon nang matuklasan ang pagpapakamatay ng 29-anyos biktima sa pamagitan ng pagbigti gamit ang isang extension wire na itinali sa leeg at ibinitin sa itaas ng pintuan sa inuupahang bahay.

Bago ang pagpapakamatay ay nakipaghiwalay ito sa kanyang live-in partner dahil umano sa `third party issue’ kaya umalis sa tinitirhan nilang bahay at solo na itong nangupahan na pinaniniwalaang dahilan ng kanyang depresyon na nauwi sa suicide.

Nakalkal din ang record nito sa pulisya na nasa listahan ang biktima sa Most Wanted Person (MWP) ng Bacoor CPS taong 2017 at may nakabinbing warrant of arrest. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.