Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Most wanted killer sa Maynila timbog

0 261

Arestado ng Manila Police District (MPD) ang isa sa Top 1 most wanted dahil sa kasong murder at ang isa naman ay nasa top 5 MWP dahil sa kasong rape sa magkahiwalay na lugar sa Maynila at Valenzuela.

Unang naaresto ng MPD-Police Station 6 ang top1 MWP na si Alexander Barliso, 45, tricycle driver at taga-Mabuhay City Subd., Paliparan, Dasmarinas Cavite.

Si Barliso ay nasa number 1 most wanted dahil sa kasong pagpatay kung saan walang inilaang piyansa sa pansamantala niyang paglaya.

Nabatid kay P/Lt. Bernardo Diego, ng Intelligence Section and Warrant Section ng MPD- Station 6, alas-4:10 ng hapon nang matiyempuhan si Barliso sa Mabuhay City Subdivision.

Hindi na ito nakapalag nang isilbi sa kanya ang arrest warrant na inisyu ni Hon. Rodolfo Ponferrada, Presiding Judge ng Manila Regional Trial Court Branch 41.

Naaresto naman ng MPD-Police Station 8 ang suspek na si James Casim Y Basa, 55; truck driver at taga-380 Tongco Compound, McArthur Highway ,Valenzuela City na nasa top 5 MWP.

Sjnabi ni Lt. Joemer Juhan, deputy chief ng Intelligence Section ng PS8 na alas- 3:37 ng hapon nitong Oktubre 3 nang matiyempuhan si Casim sa McArthur Highway, Valenzuela.

Bitbit ng mga pulis ang arrest warrant nang dakpin ito. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.