Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Most wanted na Manileno lumungga sa Bulacan

0 99

Nadamba ng tauhan ng Manila Police District ang no. 4 most wanted sa kanilang istasyon sa operasyon nila kahapon sa Pandi, Bulacan.

Ayon kay Lt. Col. Robert Domingo, station commander ng MPD- Station 13, walang inilaang piyansa ang Manila RTC Branch 52 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek na si Alvin Moya alyas Mike Pagdaraong, 29, taga-Parola Compound, Binondo.

Alas-11:00 ng umaga nang maaresto ng MPD-PS13 si Moya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Ana Marie Mas, ng Manila Regional Trial Court, Br.52 dahil sa kasong murder.

Nalaman na isang asset ng pulisya ang nag-tip sa lungga ng suspek kaya agad na ikinasa ang operasyon.

Naghihintay na lamang ng commitment order ang pulisya para dalhin sa Manila City Jail ang suapek. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.