Abante Tonite Interactive

Most wanted person nalambat matapos ang 14 na taong pagtatago

144

Maaaring hindi isang ‘big-deal’ ang ganitong sitwasyon sa mga mauunlad na bansa tulad ng Estados Unidos subalit kaiba ang kultura ng mga Pinoy lalu na’t hindi pangkaraniwan ang ganitong sitwas­yon lalu na kung may kaya sa buhay o mayaman ang matandang babae.

Sa ngayon ay unti-unti na ring tinatanggap sa lipunan ang pagkakaroon ng relasyon ng isang babaeng malaki ang agwat sa lalaking tinanggap na ma­ging kasama nila sa buhay lalu na’t ilang mga tanyag na kababaihan ang naka­kita ng bagong pag-ibig sa lalaking higit na mas bata sa kanila.

Kabilang na rito ang sikat na dermatologist na si Dr. Vicki Belo, ang artistang si Ai-Ai Delas Alas at ang pinakakontrobersyal na pakikipag-relasyon ni Mommy Dioni­sia Pacquiao, ang ina ng tinaguriang Pambansang Kamao.

Sa pahayag ng isang dalubhasa sa sex life ng isang tao sa isang prog­ramang pampamilya, hindi raw talaga maiwasan na magkaroon ng negatibong pana­naw ang ibang tao o maging paksa ng mga tsismis ang mga relasyon kung saan mas matanda ang babae subalit dahil na rin sa impluwensiya ng ibang mauunlad na bansa, halos hindi na rin pinapansin ang ganitong sitwasyon.

Muli lamang nauungkat ang ganitong usapin kapag may nangyari ng karahasan o humantong sa nakaririmarim na krimen ang relasyon ng isang babaeng mahigit sa kalahati ang aguwat ng edad sa lalaki.