Abante Tonite Interactive

Most wanted person nalambat matapos ang 14 na taong pagtatago

346

Dahil sa laki ng agwat ng kanilang edad, ‘Nanay Vicki’ kung tawagin ni Gamboa ang biyuda at ito rin ang taguri ng asawa at anak ng la­laki sa kanya.

Habang tumatagal ang kanilang pagkakaibigan, lalong lumalapit ang loob ng biyuda kay Gamboa at ganoon din ang nararamdaman ng pulis sa ginang.

Batid din ni Victoria na maraming kakulangan sa materyal na bagay, hindi lamang si Gamboa kundi maging ang kanyang mga anak kaya’t pinanatili niya ang pagiging bukas-palad sa mga pangangailangan ng pamilya.

Habang lumalaon, nagiging malalim ang pagti­tinginan nina Gamboa at Victoria hanggang sa dumating ang pagkakataon na hindi lamang sa pagkakaibigan titigil ang kanilang relasyon kundi higit pa sa pagiging magkasintahan.

Malaki ang naitutulong ni Victoria, hindi lamang kay Gamboa, kundi maging sa kanyang pa­milya kaya’t hindi naging problema noon sa lalaki ang kakulangan ng kanyang sahod bilang isang patrolman.

Nang lumalim ang relasyon ng dalawa, hindi na ito nalingid sa mga anak ni Victoria at dahil may kanya-kanya na rin naman silang pamilya, hindi nila nila pinanghimasukan pa ang kagustuhan ng ina sa pag-aakalang dito nakakaramdam ng ligaya ang biyuda.