Most wanted person nalambat matapos ang 14 taong pagtatago

640

Nagsisigaw na humingi ng tulong si Jerry sa mga kapitbahay hanggang sa dumating ang mga opisyal ng barangay sa lugar at sila na ang tumawag sa himpilan ng pulisya upang ipabatid ang nangyaring krimen.

Habang hinihintay ang pagdating ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) at imbestigador ng homicide division ng Western Police District (WPD), tumulong ang mga barangay officials sa mga pulis na unang nag-responde sa lugar sa pagpigil sa mga nagu-usyoso upang hindi magalaw kung anuman ang mga ebidensiyang makukuha sa crime scene.

Hindi naman nagtagal ay dumating ang mga tauhan ng Homicide Division ng WPD at kasunod ang mga elemento ng SOCO na magpo-proseso sa lugar na pinangyarihan ng pamamaslang.

Isa-isang kinalap ng pulisya ang mga posibleng gawing ebidensiya sa krimen na tutukoy sa salarin, kabilang ang police uniform ni Gamboa at ang baril na binili para sa kanyang personal na gamit ng biktima.

>

Nagkaroon ng teorya ang mga imbestigador na hindi pagnanakaw ang pakay ng salarin sa pagpatay sa biktima lalu na’t hindi ginalaw ang mga alahas at salapi ng biktima na nakalagay lamang sa drawer, pati na ang baril na binili niya sa ka-relasyong pulis.

Nagsagawa rin ng pagkolekta ng latent prints ang SOCO sa lugar sa pagbabaka-sakaling may makuha silang fingerprints na magagamit bilang ebidensiya sa oras na matukoy na ang pangunahing suspek.

Humanap naman ng posibleng testigo ang mga imbestigador at nagtanong-tanong sa mga kapitbahay kung may nakita sila na huling lumabas ng bahay bago matuklasan ang krimen.

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...