Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Most wanted sa QC dinampot

0 123

Naaresto ng mga awtoridad ang top 6 most wanted drug personality sa isinagawang buy- bust operation sa Quezon City kaninang madaling araw.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD), ang suspek ay kinilalang si Noe Dormitorio, 36, truck driver na nahuli bandang alas-3:30 ng madaling-araw sa Barangay Payatas.

Sa report, si Dormitorio umano ang ikaanim na drug personality sa listahan ng QCPD Drug Enforcement Unit.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa tulong ng intel information, naaresto ang suspek at nakuha sa kanya ang 2 sachet ng shabu na may halagang P81,000.

Nakuha rin sa suspek ang boodle money, plastic na may lamang hinihinalang marijuana at sasakyan.

Nakadetine sa Quezon City Police Detention Center and suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.