Abante Tonite Interactive

Mother Lily, agad-agad nagbigay ng P1M sa Mowelfund

By ,
8

SA sobrang tuwa ni Mother­ Lily Monteverde na nag-celebrate ng kanyang 77th birthday noong Biyernes nang gabi, namudmod ito ng datung bilang pasasalamat sa parangal at pagkakakilala na ibinigay sa kanya.

Nag-donate ng isang milyong piso sa Mowelfund pagkatapos siyang gawaran ng Plaque of Appreciation sa lahat ng tulong ni Mother Lily at partisipasyon ng Regal Films sa pag-unlad ng local movie industry.

In-announce na rin ng Trustee at President ng Mowelfund na si Boots Anson-Rodrigo na magkakaroon ng diorama ng mga pelikulang ginawa ng Regal Films.

Abante Hiring – IT dep

Sa sobrang tuwa ni Mother, nag-isyu agad ng tsekeng isang milyong piso na dated ‘yun ha?

Bukod sa Mowelfund, nagbigay rin ng pagkaki­lala ang grupong PMPC, Enpress at SPEED at binigyan rin ang mga ito ni Mother ng donasyong P100,000.

Inalay ni Mother sa entertainment press ang selebrasyong iyun at binanggit pa niya na magkakaroon siya ng bagong tambayan para sa movie press na kung saan iyun na rin ang itinuturing niyang haven.

Palalagyan niya ng wifi para magamit na rin ng mga reporters ang lugar na iyun kung type nilang doon na mag-deadline.

Napuno ang Valencia Events Place sa dami ng mga bisitang gustong bumati kay Mother Lily.

Kahit dating classmates niya sa St. Scholastica’s College ay duma­ting kaya sobrang saya ni Mother Lily.

May ilang pulitikong dumating. Pero napansin lang naming wala roon ang dating Sec. Mar Ro­xas o kahit ang may-bahay nitong si Korina Sanchez, na sinuportahan ni Mother nu’ng nakaraang Presidential elections.

Dumating naman si Sen. Grace Poe kasama ang inang si Susan Roces.

***

Mother Lily, Sen. Grace Poe, Susan Roces at Malou Choa Fagar
Mother Lily, Sen. Grace Poe, Susan Roces at Malou Choa Fagar

SANTA CLAUSE mode si Mother Lily Monteverde sa kanyang 77th birthday party nu’ng Biyernes sa 38 Valencia Events Place.

Itsura ng Pasko sa Agosto dahil namudmod ang Regal matriarch ng blessings sa kanyang kaarawan.

Sobrang love ng entertainment press ang Regal produ dahil sa pagpapahalaga niya sa mga ito through the years.

Sa dami ng bisita ni Mother ay umapaw ang mga tao sa loob at labas ng Valencia. As usual ay pinaghalong showbiz at pulitika ang guests niya.

Maagang dumating si Senator Grace Poe-Llamanzares kasama ang inang si Ms. Susan Roces.

Nowhere in sight ang sinuportahang Presidential candidate ni Mother nu’ng nakaraang eleksyon na si Mar Roxas. Kahit ang misis nitong si Korina Sanchez-Roxas ay wa apir.

Kabilang sa mga bumati at nakisaya sa papi­ging ni Madera sina Ai Ai de las Alas, Lorna Tolentino, Christopher de Leon, Eddie Gutierrez, Annabelle Rama, Tirso Cruz III, Sam Milby, Enchong Dee, Billy Crawford, Janella Salvador, Kiray, Derrick Monasterio at mga network executives.

Bumaha ng pagkain at inumin. Hindi nagtipid. Eat and drink all you can ang peg.

May mga kumanta at nag-perform para sa birthday girl na ang saya-saya nu’ng gabing ‘yon.

Nu’ng tapos na ang banda ay sayawan naman. Nakihataw sa dance floor ang mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde. Yugyog pa more!

Sa sarap ng kuwentuhan ay inabot kami ng 4:00 AM nina Ali Sotto, Tita Malou Fagar, Direk Mac Alejandre, Rommel Gonzales at Anna Pingol.

Nang iwan namin si Mother ay namumudmod pa rin siya ng kadatu­ngan, dahil binigyan niya ng tip ang napakara­ming waiters na nag-serve sa kanyang blockbuster birthday party.