Abante Tonite Interactive

‘Mother’ nag-iisang K-drama na pasok sa Cannes

By
0 2,018

Naging matagumpay ang naging scree­ning ng tvN’s drama na ‘Mother’ sa 1st Cannes International Series Festival.

Ang naturang Korean drama ay unang nominado na sa Canneserious Official Competition category ng naturang festival. Nominado ito sa mga kategoryang Best Drama, Best Series at Best Director.

Ang Cannes International Series Festival ay ginanap sa unang pagkakataon bilang main event ng MIPTV 2018 (Marché International des Programmes de Television) na nag-run mula April 4 hanggang April 11 sa Cannes, France.

Sa 130 na television drama sa iba’t ibang bansa, 10 lang ang napili bilang opisyal na nominado at ang ‘Mother’ ng South Korea ang bukod-tanging Asian drama na nakasama.

Isa sa mga pinuri raw ang drama na Mother dahil sa story nito, directing at acting ng mga press, viewers at cri­tics sa Cannes International Series Festival.

Ang drama ay kuwento ng isang teacher at ng kanyang 8 years old na dahil inaabuso ng kanyang mga magulang ay kinidnap ng teacher at inakong anak. May 16 episodes ito na nag-finale noong March 15. Dahil sa cable channel ito ipinalabas, mas maliit ang audience shares niya kumpara sa mga main networks sa Korea tulad ng MBC, KBS at SBS. Pumalo lang ito sa Seoul ng 3.707% sa average ratings.

Ang South Korean actress na si Lee Bo-young bilang si Kang Su-jin ang gumanap na mother. Ang child actress na si Heo Yool naman ang gumanap bilang si Kim Hye-na na napili ng production out of 400 na nag-audition sa naturang role.

Bukod sa director ng Mother na si Kim Chul Kyu at writer na si Jung Seo Kyung, umattend din sa festival ang mga bida nito na si Lee Bo-young at Heo Yool. Sa report ng soompi.com, bukod sa ipinamalas na pag-arte ni Bo-young, nag-stand-out din daw ang beauty nito na binagayan ng suot niyang pink dress.

Hindi naman maikubli ng director na si Kim Chul Kyu ang kaligayahan sa na­ging pagtanggap sa kanilang drama. Aniya, “I felt my heart swell up with emotions. I was surprised that our drama was on the thea­ter screen in this faraway land and that many people were moved by it, regardless of their nationalities.

“I’m pleased to gain confidence that drama built on our sentiments can be fully delivered to the international audience and is capable of moving them.”

Nominado rin ang Mo­ther sa 54th Arts Baeksang Awards sa Seoul sa pagka-Best Actress at Best Screenplay.