Abante Tonite Interactive

Mother Ricky magdadabog kina Martin, Christian, Paolo?

0 527

Magdabog kaya ang bangs ni Mother Ricky Reyes ‘pag kanyang makikita ang best in mujer look nina Martin del Rosario, Christian Bables at Paolo Ballesteros? May panawagan kasi si Mother Ricky kamakailan na ang mga bakla tigilan na ang pagmamaganda at paghara-hara sa kalye o sa mall na nakadamit pambabae.

Sa tatlo, si Ballesteros lamang ang out. ‘Yung dalawa, nagpapaka-aktor, sinusunod ang dikta ng kanilang PR team. Grabe ang audience at spectator impact nila dahil talaga namang kay gaganda nila.

Matapos ang movie premiere, may pa-lip sync pa sila ng hit ni Donna Cruz, ang “I Can”.

Hilarious ang movie kasi all out ang kabaklaan at kalandian. Pero hitik rin sa aral. May pa-abs ang male supports. At magaling, magaling, magaling sina John Arcilla, Carmi Martin at Rosanna Roces.

Nora ang pangalan ni Carmi at Vilma si Rosanna kaya may isa silang confrontation scene na talagang guffaw ang magiging reaction lalong-lalo sa mga panatiko nina Ate Guy at Ate Vi.

My only quiver about the film lahat ng mga problema ay na-resolve. Para lang bakit kaya ganoon?

Kylie dinuraan si Maxine?

Papatol pa ba tayo sa chikang dinuraan diumano ni Kylie Versoza si Maxine Medina sa “Los Bastardos”? Na kesyo so unbecoming as actress ang ginawa ni Kylie dahil wala raw sa script ang kanyang pagdura?

Baka naman dalang-dala si Versoza sa kanilang dramatic confrontation kaya hindi niya napigilan? Na alam niyang may maximum impact ang kanyang pagdura lalo na nga’t bitchesa of the highest order ang kanyang katauhan.

Sure naman tayo na ‘di iyon sadya at nag-paumanhin ang Ms. International 2016 sa Ms. Universe top six placer. Saka may chance naman siguro na mabango ang laway ni Versoza. Hindi naman yata naagnas ang mukha ni Medina o naging bato ito pagkatapos. Charot! Hahahaha!

Well, ang mga ganitong starlet wars eh talagang nagpapasaya sa showbizlandia kaya hayaan na natin. Kung mas lalong tumaas ang ratings at ngayon nga dahil dito, tiyak na mas magiging mausisa ang mga manood sa “Los Bastardos”, dapat magpasalamat pa sila kay Kylie.

Sa mga susunod nilang eksena ni Maxine, tiyak naman na maitatama ang sitwasyon, puwede naman siyang sumurpresa kay Versoza para magkaalam na kung sino talaga ang magaling.