Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Motor binundol ng trak, 2 sakay talsik

0 28

Nasawi ang nakaangkas habang malubha ang motorcycle driver makaraang tumalsik matapos mabundol ng trailer truck kahapon ng madaling araw sa may Tarlac-Santa Rosa road sakop ng Brgy. Carmen, Zaragoza, Nueva Ecija.

Sa ulat ni PMajor Jaime Ferrer, nakilala ang nasawi na si Ryan Casimiro Soriano, 26. Malubha naman si Roberto De Ocampo Gonzales, 22, kapwa taga-Brgy. Bugtong na Bule, Talavera, Nueva Ecija.

Sa imbestigasyon ni PSSg Arnaldo C Gabbac, ika-12:30 ng madaling araw, patungong hilaga ang mga nakamotorsiklo nang mabundol ng kasalubong na trak na may plakang NBF 9105 at trailer no. 731994, na minamaneho ni Edgar Baul Santos, 51, residente ng 109 Doña Juaquina St. Paguiruan, Florida Blanca Pampanga.

Ang dalawang sugatang nakamotorsiklo ay nadala sa Dr. PJGMRMC sa Cabanatuan City at doon binawian ng buhay si Soriano.

Kasong reckless imprudence resulting in homicide and serious physical injury ang isinampa kontra kay Santos. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.