Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Motor humampas sa kotse, rider dedbol

0 68

DEAD-on-arrival sa ospital ang isang construction worker matapos humampas ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang kotse sa national highway ng Barangay Urbistondo, San Juan, La Union noong Linggo.

Kinilala ng San Juan Police Station (SJPS) ang biktimang si Swerwin Tamsi, residente ng nasabing bayan.

Ang driver naman ng kotse ay si Mark Aldrin dela Cruz, 35, ng Barangay Bulala, Bacnotan, La Union.

Sa report ng SJPS traffic bureau, tinatahak ng biktima ang kahabaan ng Barangay Urbiztondo nang mabulaga ng kotse na minamaneho ni Dela Cruz sa kanyang linya (Tamsi).

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ng ilang metro ang biktima at tumama ang kanyang ulo at katawan sa semento.

Agad itong isinugod sa pinakamalapit na ospital ngunit siya ay dead-on-arrival. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.