Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Motor ‘na-sandwich’, mag-utol dedo

0 349

Patay ang magkapatid na mag kaangkas sa motorsiklo matapos na ang kanilang sinasakyan ay maipit sa pagi- tan ng isang truck at isang shuttle bus sa Sta. Rosa, Laguna nitong Huwebes.

Kapwa dead on-the-spot sina Israel Blanquisco Hadi, 26, na siyang nag mamaneho ng motor at ang backrider niyang si Christian Blanquisco Hadi.

Batay sa report ng Sta. Rosa Police, bandang alas-7:30 ng umaga magkakasunod na tumatakbo ang 3 sasakyan sa Tagaytay-Sta. Rosa road kung saan nangunguna ang Elf truck, kasunod ang motorsiklo at nasa hulihan ang bus.

Huminto umano ang trak dahil sa isang papasok na sasakyan sa highway mula sa isang gasolinahan kaya nag menor din ang motorsiklo.

Subalit sinagasaan ito ng paparating na rumaragasang bus kaya naitulak ito patungo sa hulihan ng truck.

Nagtamo ang mag-utol ng grabeng pinsala sa ulo at katawan at agad namatay. Naaresto naman ng pulisya ang driver ng shuttle bus na si Mauricio Nangga na nahaharap sa kasong reckless imprudence resuting to multiple homicide. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.