Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Motor nagliyab! Rider, angkas tustado

0 40

PATAY ang dalawa-katao matapos magliyab ang sinasakyan nilang motorsiklo sa nangyaring aksidente sa kalsada ng Enrile, Cagayan kamakalawa.

Ayon sa Enrile Police Station (EPS), ang mga biktima ay nakilalang sina Marlon Pascual, 39, driver ng motorsiklo at kasama nitong si Khenny Vegas, 42, parehong taga-Solana sa nasabing lalawigan.

Ayon kay EPS investigator P/Master Sgt. Jaime Lallaban, nangyari ang aksidente ala-1:50 ng hapon ng Sabado habang tinatahak ng mga biktima ang 4-lanes na national road ng Barangay Roma Norte na pauwi na sa kanilang bayan.

Sinabi ni Lallaban, nakabanggaan ng mga biktima ang isang courier delivery service na minaneho ng isang Eduardo Lucas, ng San Mateo, Isabela at pabalik na ng Isabela na nag-overtake sa sinusundang kolong-kolong, kaya hindi napansin ang kasalubong na motorsiklo ng mga biktima.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon sa shoulder lane ng lansangan ang nagliyab na motorsiklo kung saan kasamang nasunog ang dalawang biktima na siya nilang ikinamatay.

Dinala sa EPS si Lucas at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide and damage to property. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.