Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Motor sinalpok ng SUV; 3 todas, baby buhay

0 75

Patay ang apat na sakay ng isang motorsiklo habang himalang nakaligtas ang sanggol na kasama ng mga ito matapos silang salpukin ng kasalubong na Sport Utility Vehicle (SUV) sa Tungawan, Zamboanga Sibugay, Lunes ng tanghali.

Kinilala ang nasawing sina Disodado Villaruz, 46, drayber ng motorsiklo, at angkas nitong sina Arnold Cabusao Arquiza, 34; Hazel Pepito Wamilda, 33; at Zian Arquiza, 4.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Himala namang buhay at walang bahid ang sanggol na si Arianne Arquiza.

Kusang loob namang sumuko sa pulisya ang drayber ng itim na Toyota Hilux na si June Rey Albios Siete, 23.

Sa ulat ni Police Capt. Edwin Duco, tagapagsalita ng Police Regional Office 9, ika-12:00 ng tanghali kamakalawa nang mapunta sa kabilang linya ang SUV at hindi napansin ni June Rey ang paparating na motorsiklo dahilan ng head on collision. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.