Abante Tonite Interactive

Motor sinalpok ng tourist bus, 1 patay

By
166

Nasawi ang isang rider habang kritikal ang kondisyon ng angkas nito, makaraang araruhin ng isang tourist bus sa Maragondon, Cavite.

Ayon sa ulat, nadala pa sa pagamutan ngunit namatay habang ginagamot ang drayber ng motorsiklo na si Christian Padilla, 20, empleyado ng Alfamart at residente ng M. Craig St., Poblacion 1 Ternate. Malubha namang nasugatan ang angkas nitong si Jerry Jay Luay ng Brgy. Pinagsajan B, Maragondon.

Arestado naman at nakatakdang sampahan ng kaso ang drayber ng bus na si Richie Cubelo, 36, ng Southville 1 Cabuyao, Laguna.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:40 kahapon nang madaling-araw binabagtas nina Padilla at Luay ang direksiyon ng bayan ng Ternate nang nagmaniobra ang bus na minamaneho ni Cubelo at matumbok nito ang motorsiklo ng mga biktima.