Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Motor sumalpok sa barbed wire, drayber todas

0 116

Todas ang isang rider samantalang wala pang malay ang kanyang angkas matapos humampas ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa barbed wire na bakod sa Urdaneta City, Pangasinan kahapon.

Kinilala ng Urdaneta City Police Station ang namatay na si Kingly Ashley Aquino, drayber ng motorsiklo at ang backride na wala pang malay hanggang sa ngayon na si Erick Morales, parehong taga-Brgy. Tobor, Malasiqui sa nasabing lalawigan.

Sa report, ayon sa Urdaneta City Police Station (UCPS), naganap ang insidente, alas-2:45 ng madaling-araw, sa kalsada ng Brgy. Nancamaliran West sa nasabing siyudad.

Sa inisyal na imbestigasyon, tinatahak ng mga biktima ang kalsada nang biglang mawalan ng kontrol si Aquino sa manibela sanhi para sila ay humataw sa isang barbed wire na bakod sa gilid ng kalsada.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang mga biktima ilang metro mula sa lugar ng pinangyarihan at humampas ang ulo at katawan ni Aquino sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Samantala, si Morales ay kasalukuyang nasa Urdaneta District Hospital.

Tinitingnan ng pulisya kung nakainom ang mga biktima bago nangyari ang aksidente. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.