Abante Tonite Interactive

Motor taxi alternatibong solusyon sa trapiko

By
1,154

Nagpahayag ng suporta ang dalawang kongresista sa operasyon ng tinaguriang ‘motorcycle taxi’ sa Metro Manila at iba pang lungsod sa ­buong bansa.

Sa pagdinig ng House committee on Metro Manila development kahapon, iginiit ni Marikina City Rep. Bayani Fernando na ang motorsiklo pa rin ang mainam na alternatibo sa mabigat na trapiko.

Ayon kay Fernando, dapat ipikit na lang ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang mata sa mga rider na may angkas na pasahero.

Abante Hiring – IT dep

Bagama’t hindi sumasang-ayon kay Fernando, naniniwala naman si Quezon City Rep. Winston Castelo, chairman ng naturang komite, na makakatulong ang mga motor taxi sa hebigat na trapiko.

Kinakailangan aniyang rendahan ang mga ito sa pamamagitan ng kaukulang permit para makapag-operate at mayroon dapat itong kaakibat na safety measures.

“The best thing to do is to have it regulated,” pahayag ni Castelo kay LTFRB Executive Director Atty. Samuel Jardin na humarap sa nasabing pagdinig na naging posi­tibo naman ang naging tugon at inihayag na bukas sila sa mga mungkahing inilutang.

Samantala, dumalo rin sa nasabing hearing si dating LTFRB official Ariel Inton at iminungkahi na puwedeng gamitin ang mga panuntunan at patakaran sa Transport Network Vehicle Service (TNVS) para sa motorcycle taxis.

Batay sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) na isinumite sa nasabing komite, lumilitaw na 32% ng pamilyang Pinoy ay nagmamay-ari ng motorsiklo.