Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Motor vs trak, mag-asawa tepok

0 274

Patay ang isang mag-asawang magkaangkas sa motorsiklo matapos silang masalpok ng kasalubong na truck sa national highway ng Rosario, Batangas, Miyerkoles ng gabi.

Batay sa Rosario police, patungong direksyon ng town proper ang mga biktima na sina Analyn at Daryl Gervacio nang mabangga sila ng kasalubong na Isuzu Truck na minamaneho ni Ferdinand Almadrones na patungo naman sa Ibaan, alas-8:00 ng gabi.

Biglang kinain umano ng trak ang linya ng mga biktima kaya sila nagkasalpukan. Sa lakas ng banggaan, tumilapon ang motorsiklo at ang mga biktima na namatay noon din.

Pinosasan naman ang driver ng truck na nahaharap sa kaukulang kaso. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.