Abante Tonite Interactive

Motorcycle taxi gawing ligal para marendahan

109

Pabor ang isang mambabatas na ga­wing ligal ang ope­rasyon ng motorcycle taxi para malatagan ito ng regulasyon bilang isang uri ng pampublikong transportasyon.

“They’re very pre­valent in the provin­ces and they’ve exis­ted for a long long time already. I don’t see why they shouldn’t be legalized. Government would then be able to properly re­gulate them if they’re legalized,” ayon kay Camiguin Rep. Xavie­r Jesus Romualdo na siyang chairman ng House committee on good government and public accountability.

Iginiit ni Romualdo na mayroong negatibong epekto ang temporary restraining order (TRO) na inilabas ng Supreme Court (SC) laban sa motorcycle-based ride-hailing app na Angkas.

Marami aniyang mga pasahero ang maaapektuhan ng TRO.

Bagama’t hindi umano sumasakay ng Angkas ang kongresista, mayroon naman siyang mga kamag-anak at kaibigan na Angkas user na nagsasabing maayos ang binibigay na serbisyo nito.

Gayunman, dapat aniyang sundin at igalang ang desisyon ng SC. (Aries Cano)