Abante Tonite Interactive

Motorsiklo, kumunoy, pader at iba pa

156

Ano po kaya ibig sabihin ng panaginip ko na hina­hanap ko daw ang bahay ng kapatid ko tapos nakamotor ako hanggang sa nakarating ako sa isang lugar na dikit-dikit ang mga bahay. Dahil hindi na puwedeng makapasok ang motor naglakad daw ako hanggang sa nakakita ko ng parang pader. Kailangan ko daw akyatin ang pader para makarating sa kabilang side kung saan andun ang bahay ng kapatid ko. Nung inakyat ko na may nakasama ako na isang babae at naging maputik na parang pulang lupa ang pader. Dahil madulas, ‘di daw kami nakaakyat at pagbaba namin maputik katawan namin kaya naghanap kami ng tubig. May nakitang kaunting tubig ‘yung kasama kong babae at tumakbo siya agad. Sinubukan ko siyang pigilan pero mabilis siyang lumusong sa tubig pero kumunoy pala iyon. Nang lumulubog na siya sya sa kumunoy kaya hinawakan ko ang kamay niya para ia­ngat siya pero doon na ako nagising.

Ilang simbolismo ang nasa iyong panaginip at kabilang dito ang kumunoy, motorsiklo, pader at mga bahay.

Ang motorsiklo ay sumi­simbolo sa iyong mga pagsisikap sa buhay. Ikaw ang taong hindi umaatras sa aksyon. Indikasyon din ito ng iyong ibinubuhos na konsentrasyon para makamit ang tagumpay. Ang mabilis na pagpapatakbo sa motor ay representasyon naman ng iyong emosyon dahil ang motorsiklo ay maikokonek din sa iyong self-control, sa excitement at kung paano mo hinaharap ang anumang sitwasyon.

Ang bahay ay sumi­simbolo naman sa iyong inner self at ang makitid na daan ay representasyon ng iyong tinatahak na landas. Sa iyong pa­naginip, ang magkakadikit na bahay ay indikasyon na dumadaan ka sa masalimuot na sitwasyon na maaaring pinagmumulan ng iyong kalituhan o pagkabalisa. Ang mga bahay ay indikasyon din ng iyong pananaw sa hinaharap.

Ang pader ay ob­vious na nagrerepresenta sa mga hadlang na nakakaenkuwentro mo sa iyong buhay at maaaring sa isang partikular na sitwasyon.
Habang ang kumunoy ay indikasyon na sa kalagayan mo nga­yon, pakiramdam mo ay mabuwal o hindi sigurado ang iyong posisyon. Maari itong ikonek kung ikaw ay nakakaramdam ng insecurities at pakiramdam mo ay lalo ka pang nalulubog.

Related Posts

Ang babae naman na nakasama mo sa iyong panaginip ay representasyon mo.

Ikaw ang nalulubog at ikaw ang nangangailangan ng makakapitan.

Pag-aralan kung ano ang iyong sitwasyon sa kasalukuyan. Meron bang dahilan para makaranas ka ng kalituhan at insecurities? Ikaw pa rin ang tunay na nakakaalam kung saan mo puwedeng ikonek ang mga simbolismo sa iyong panaginip.

Dream Catcher

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang pana­ginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.