Abante Tonite Interactive

Motorsiklo ng mga Asistio tinangay ng SK kagawad, estudyante

0 318

Kulong ang Sanggunian Kabataan (SK) Kagawad kasama ang estudyanteng kabarkada makaraang tangayin ang motorsiklo ng isang malapit na kamag-anak ng mga Asistio sa Caloocan City.

Kinilala ang nahuling suspek na sina Jerwin, SK kagawad at Jomel, taga-Barangay 10, ng nasabing lungsod.

Sa pahayag ng biktimang si Jason Denz Asistio, 27, corporate secretary, ng #92 Baltazar St., 9th Avenue, Brgy. 59, Caloocan City, ipinarada niya sa harap ng kanilang bahay ang kanyang Yamaha Mio Sporty (Plate Number- 6221-QX) noong Martes ng alas-6:39 nang gabi.

Miyerkoles ng alas-kuwatro nang madaling-araw, bibili daw siya ng pandesal nang wala na ang kanyang motor sa pinagparadahan.

“Kinabahan na ako na ninakaw na yung motor kasi nasa akin yung susi at wala namang nanghiram sa akin,” ani Asistio.

Nagtungo agad ang biktima sa Police Communtiy Precinct 2 at

ini-report ang insidente.

Kinahapunan, may nakuhang impormasyon ang ‘informat’ ng Anti-Carnapping Unit ng Caloocan Police na nasa harap ng bahay ng SK kagawad ang motorsiklo kaya dinakip ito. (Orlan Linde)