Abante Tonite Interactive

Motorsiklo ng pulis sumemplang, pedestrian nasagasaan

By
0 153

Patay ang isang la­laking pedestrian nang mahagip ng sumemplang na motorsiklo na minamaneho ng isang pulis sa Parañaque City kamakalawa.

Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Parañaque si Efren Tibunsay y Lozada, 47-anyos, sanhi ng tinamong mga sugat habang nilalapatan naman ng lunas sa Uni-Health Medical Center ang nakamotorsiklong si PO2 Randy Morales y Calumpiano, 38-anyos, nakatalaga sa Police Community Precinct 3 ng Las Piñas City Police sanhi ng mga sugat na tinamo sa katawan.

Sa report ng Southern Police District, naganap ang aksidente sa Dr. A Santos Avenue sa harap ng Loyola Memorial Park alas-9:30 ng umaga.
Minamaneho ni Morales ang Yamaha Mio 125 nang bigla umanong mawalan ng kontrol ang motorsiklo hanggang sa sumemplang at masagasaan nito ang tumatawid na si Tibunsay.

Abante Hiring – IT dep

Mabilis namang isinugod si Tibunsay sa pagamutan subalit binawian ng buhay.

Posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang naturang pulis.