Abante Tonite Interactive

Motorsiklo sinalpok si Lola, tigok

By
0 961

Hindi na naisalba ng mga doktor sa UST Hospital ang isang 67-anyos na biyuda makaraang salpukin ito ng motorsiklo habang tumatawid sa northbound lane ng Lacson Avenue malapit sa kanto ng Fajardo St., Sampaloc, Maynila pa­sado ala-una ng hapon kamakalawa.

Sugatan din sa aksidente ang motorcycle driver na nakilalang si Rene Ordinario Castillo, 32-anyos, binata, empleyado at residente ng No. 1282 Dama de Noche St., Tondo.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Roberto Lorenzo ng Vehicle Traffic Investigation Section ng Manila Police District (MPD), tumatawid ang matanda sa naturang kalsada nang biglang mabangga ng motorsiklo ni Castillo.

Parehong tumila­pon sila dahil sa lakas ng pagkakabangga sa matanda.

Sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide ang rider na si Castillo.