Abante Tonite Interactive

Move on

0 273

BANGON NA!

Move on na tayo. ‘Yan ang madalas na ginagamit ng tao ‘pag nauubusan na sila ng makabuluhang argumento. ‘Yan ang madalas mong sabihin sa asawa mo kapag nagkakasala ka o nahuhuli ka sa paggawa ng mali. Mag-move on na tayo.

Move on. ‘Yan ang madalas ginagamit ng mga tao na nauubusan na ng palusot. ‘Yan ang madalas na gamitin lalo na ng mga tagapagsalita kapag nauubusan na sila ng katwiran.

Medyo nakakaawa talaga ang kalagayan ni Secretary Sal Panelo. Napakahirap talagang ipagtanggol, at hanapan ng palusot ang posisyon ng Pangulong Duterte sa isyu ng China at ng West Philippine Sea. Tinukoy ko si Pangulong Duterte, kasi kung tatanungin mo si Sec. Locsin at Sec. Nograles, they have a different view on what should be the official position of the government.

Mahirap hong mag-move on sa nangyayari sa West Philippine Sea lalo na sa mga developments doon ngayon. Nitong nakaraang mga araw lamang, nagsagawa na ng missile testing ang China sa lugar. Una, militia na nagpapanggap na mangingisda. Ngayon, missile testing na. Hindi na maikakaila ang militarisasyon ng China sa lugar and yet, you are telling us to move on? The more that we shouldn’t.

Ang mga lugar na sakop ng EEZ ng bansa na kinamkam ng China at tinabunan ng lupa ay ginagawa na ngayong base militar. Hindi niyo pwedeng isisi `yan kay Noynoy Aquino kasi ang pagpapalakas ng pwersang militar ng China sa lugar ay nangyari 2016 onwards. Hindi niyo pwedeng isisi kay Noynoy ang pagpapabaya sa West Philippine Sea dahil panahon ni Noynoy inilaban at napanalunan natin sa UN arbitral tribunal ang kaso na AYAW ninyong gamiting barter sa China, dahil ayaw pumayag ni Xi Jin Ping.

Hindi pa naman huli ang lahat para ilaban ang ating teritoryo sa maayos na paraan at walang digmaan. Dahil sa mga development sa West Philippine Sea, ang sa tingin ko na marapat na gawin ay, Una, sang-ayon ako kay Professor Batungbakal na palakasin natin ang alyansa sa ibang bansa sa Asya. Ikalawa, bagama’t niluray natin ng mura ang Amerika pero tayo at Amerika ay pinag-isa ng MUTUAL defense treaty. Hindi pupuwedeng talikuran ng Amerika ‘yun. We are bound by that treaty. Tama si Locsin, we only have America to rely to.