Abante Tonite Interactive

Movie ni Piolo ginawang ‘Ang Chupa’

1,168

Pinagtitripan ng ilang mga malditang baklita ang pamagat ng bagong pelikula ni Piolo Pascual na “Ang Hupa.” Pabiro nila itong ginagawang “Ang Chupa”.

Ayaw ni E­rwan Heussaff! Ha! Ha! Ha!
In fairness ay ipinalabas sa 2019 Cannes filmfest ang “Ang Hupa” (“The Halt” ang English title) kaya rumampa sa red carpet ang mga artista nito.
Escort ni Shaina Magdayao si Piolo nu’ng world premiere nila sa Theatre Palais Croisette. Kasama rin sa cast sina Joel Lamangan, Pinky Amador, Mara Lopez at Bart Guingona.

Sci-fi ang bagong obra ni Lav Diaz. Futuristic at 2034 ang setting nito, na hindi na sumisikat ang araw sa Pilipinas at pala-ging gabi.

Ipinalabas ito sa Directors’ Fortnight, ang non-competitive independent section ng prestihiyosong filmfest.

Wala si Direk Lav dahil may commitment daw ito sa Cuba, pero may tsikang hindi ito sumipot dahil gusto nitong sa competition section ilagay ang pelikula nito na 4 1/2 hours ang haba.

“Hele sa Hiwagang Hapis” (2016) na nanalo ng award sa Berlin filmfest ang unang pelikula ni Piolo with Lav Diaz, na sinundan ng “Ang Panahon ng Halimaw” (2018) na lumaban din sa Berlin.

Kasali rin sa Directors’ Fortnight this year ang “The Lighthouse” movie ni Robert Pattinson, na napanood ni Shaina ang premiere at kinilig ito sa Hollywood actor.

Mata ni Seo Kang Joon nakakainlab

Inggit sa amin ang ilang friends namin na K-drama fanatics dahil nakita namin in person ang South Korean actor na si Seo Kang Joon sa mediacon nito sa GMA-7.

We’re not into Koreanovelas, so hindi namin kilala si Seo Kang Joon na paborito pala nila.

Ang galing daw nito sa breakthrough role nito sa romcom series na “Cheese in the Trap” na pinalabas before sa Kapuso network.

Napanood din nila si SKJ nang magbida ito sa Korean version ng hit US series na “Entourage.”

At ngayon ay aabangan ng mga K-addict friend namin ang bagong series ni Seo Kang Joon na “Are You Human?” na magsisimula na bukas, May 27, sa GMA Telebabad pagkatapos ng “Love You Two.”

Bet na bet ng mga SKJ fan ang mga mata ng 25-anyos na K-idol.

Nakakainlab daw ang eyes nito, sabi ng mga friend namin.

‘Yun din ang sinagot ng aktor nang matanong siya sa mediacon kung anong pinakagusto sa kanya ng fans. Physically ay ang mga mata niya raw. At sa ugali naman ay ang kanyang honesty.

Sey ng host ng mediacon na si P­atricia Tumulak, brown na brown ang mga mata ni SKJ at medyo nadi-distract siya kapag tinitingnan siya nito.

Kilig-kiligan ang mga lucky fan na nandu’n sa mediacon lalo na nang sabihin ng aktor ang Tagalog words na, “kumusta ka?” at “mahal kita.”
Kahapon ginanap ang fan meeting ni SKJ na “The Last Charm” sa New Frontier Theater sa Cubao.

Medyo nagtaka ang mga friend namin na sa GMA studio 7 ang venue ng press event ni SKJ, usually kasi ay sa hotel ito.

Ang “Are You Human?” star ay mukhang rumampa pa sa GMA network building at nakapagpapiktyur dito ang ilang mga Kapuso executive.
Bilib din nga pala ang mga friend namin sa GMA-7, na nakakapagdala sila rito sa Manila ng mga sikat na Korean star.
PAK!