Abante Tonite Interactive

MPBL player, 2 pa timbog sa ‘damo’

0 607

Hindi na nakapalag pa nang dakpin ng mga awtoridad ang isang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) player matapos itong mahulihan ng marijuana kasama ang dalawa pa niyang katropa sa isinagawang buy-bust operation sa Bacolor, Pampanga nitong Huwebes.

Kinilala ang tinimbog na si Nueva Ecija Rice Vanguards player Christian Garcia. Bukod kay Garcia ay kasamang dinakip sina Medwin Pascual, 21, at Sheila Marie Chiu, 29, kapwa taga-Barangay Cabambangan.

Sa report ng Punto Central Luzon, isinagawa ang operasyon ng Bacolor police sa Barangay Cabambangan kung saan nakumpiska sa pangangalaga ng 25-anyos na MPBL player at dalawa pa nitong kasama ang anim na plastic sachets na naglalaman ng marijuana, tatlong cellphone at P500 buy-bust money.

Ang tatlo ay nahaharap ngayon sa kasong violation of Sec 5 and 11 in relation to Sec 26, of Art. ll of RA 9165 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Labis naman ang pagsisisi ngayon ng basketbolista kasabay ng pangakong bibitaw na sa droga.

Si Garcia ay dating naglaro sa Adamson at University of Santo Tomas. (Aivan Episcope)

Tonite – Wendys Inhouse Ad