Abante Tonite
Mabilis sa Balita

MPD 6K pinoste sa Pista ng Nazareno

0 65

Hindi papayagan ng Manila Police District ang mga deboto na mag-overnight sa lugar para makapila na sa misang gaganapin sa Quiapo Church ngayong araw sa Kapistahan ng Poon ng Itim na Nazareno.

Ayon kay MPD Director PBGen Leo Francisco, alas-12:00 ng hatinggabi, ilalatag na nila ang seguridad kung saan may ilalagay ng 29 na control point sa paligid ng simbahan para mapigil ang pagdagsa ng mga debotong gustong makalapit sa Nazareno.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ni Francisco na sa sandaling mapuno na ng deboto ang simbahan ay ititigil na nila ang pagpapasok ng tao.

Nasa 6,000 miyembro naman ng Philippine National Police ang itatalaga sa bisinidad ng Quiapo

Hindi papayagan ng MPD ang mga deboto na mag-overnight sa lugar para makapila na sa misang gaganapin sa Quiapo Church. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.