Abante Tonite Interactive

MPD inalerto sa “ber” months

By
10

Inalerto ni Manila Mayor Joseph Estrada ang Manila Police District (MPD), kasunod ng pagpasok ng ‘ber months’ sa inaasahang pagtaas ng krimen dahil sa papalapit na ang panahon ng kapaskuhan.

Inatasan na ni Estrada si MPD Director P/Chief Supt. Joel Napoleon Coronel na bumuo na ng security plans upang maprotektahan ang publiko laban sa snatching, holdup, at pickpockets na karaniwang laganap kapag papalapit na ang Pasko.

“We have to address these concerns. As we all know, crimes against properties increase during the ‘ber’ months,” pahayag ng alkalde.

Iniutos rin ni Estrada ang pagsasagawa ng information campaign para turuan maipaalam sa publiko ang iba’t ibang modus operandi ng mga criminal groups tulad ng Salisi Gang, Laglag-Barya Gang, Tutok-Kalawit Gang, Ipit-Taxi Gang at iba pa.

“Crime can happen to anyone at the most unexpected time, so we have to tell the people what they should know to avoid being victimized by these criminals,” dagdag pa ni Estrada.

Samantala, sinabi ni Coronel na maglalagay sila ng mga police assistance desks sa mga pampublikong lugar tulad ng shopping malls, terminals, mga paaralan, at simbahan.

Ayon pa kay Coronel, bumaba ng 40 pors­yento ang bilang ng street crimes sa lungsod tulad ng snatching at holdup nitong huling dalawang linggo ng Agosto ngunit inaasahan nilang tataas ito pagpasok ng Oktubre.