Abante Tonite Interactive

‘Mr. 10 Percent’ puro raket sa bidding

By
4,487

Iba’t ibang kagamitan tulad ng bola, uniporme, jacket, T-shirt, sapatos at sombrero ang madalas na binibili ng Philippine Sports Commission para sa mahigit na 50 national sports association (NSA).

Dumaraan sa proseso ng bidding sa ilalim ng Bid and Awards Committee (BIC) ang pagkuha sa mga kontrata para maging supplier ng iba’t ibang pasilidad at kagamitan base sa mga kahilingan at pangangailangan hindi lamang ng mga pambansang atleta kundi pati na mismo ang bawat NSA.

Hindi mabibili ang mga kagamitan at pasilidad kung hindi makakakuha ng mananalong supplier o contractor.
Dito magaling ang isang tinaguriang ‘Mr. 10 Percent’ na madalas makapagwagi sa mga bidding at makakuha ng mga kontrata.

Ang siste, kina-katkong pala nito ang 10% ng budget para sa mga gamit ng atleta kaya madalas eh depektibo ang mga nakukuha.

Isang halimbawa, kaya naman pala naging kahiya-hiya ang pambansang delegasyon ng Pilipinas na lumahok sa isang internasyonal na torneo dahil hindi pa nakakarating sa kanilang destinasyon ay nasira na agad ang handle ng mga biniling luggage at nagtanggalan pa ang mga gulong.

Kasi naman ay 90 percent na lang ang natira para ibayad sa mga gamit kasi napunta ang iba kay ‘Mr. 10 Percent’.
May letrang ‘R’ sa kanyang pangalan, as in ‘Raket’ pa more si sir.