Abante Tonite Interactive

Mr. and Ms. Chinatown Philippines magpapasiklab sa ABS-CBN

259

tonite-this-is-it-roldan-castroDalawampu’t walong Filipino-Chinese na binata’t dalaga ang maghaharap upang makuha ang titulong “Mr. and Ms. Chinatown Philippines” na nakatakdang umere sa ika-9 ng Setyembre sa ABS-CBN.

Ang mga dalagang kalahok ay sina Rachel Rialubin Tan, Shiela Mae M. Tan, Lara Christle Ching, Chinzen Viernes, Sabrina Ng, Jann Caitlin N. Jao, Frances Que, Marie Que, Judie Chang, Carly Chua, Patricia Ann Tan, Danica Jade Yao, Mikel Villamora, at Chrizelle Anne So.

Samanatala, ang mga binatang sasabak ay sina Robert Tanchip, Ryan Aaron Y. Balila, Lance Oliver B. Gan, Renz Wycliff Manabat, Kyle Dustin C. Yeung, Moises Limyuen, Brian Christopher Gocheco, Martin Leonard Chua, Lawrence Chua, Jason Dy Tan, Marc Ferdinand Lee Gan, Matthan Michael Yu, Joel Chang, at Ian Tan.

Magsisilbing host sina Robi Domingo, Gretchen Ho, Janeena Chan, at Willord Chua. Mapapanood ang coronation night ng pageant matapos ang “Gandang Gabi Vice.”

Nagpirmahan ng kontrata ang ABS-CBN at Fil-Chi Media Productions, Inc. noong ika-30 ng Agosto para sa pag-ere ng timpalak.

Dumalo sa pirmahan ng kontrata sina ABS-CBN chief operating officer ng Broadcast Cory Vidanes, head ng Finance for Broadcast at INCA Catherine Lopez, head ng Programming, Content Monitoring at On-Air Management Ralph Menorca, president ng Fil-Chi Media Productions, Inc. na si Alvin Kingson Tan, Miss Chinatown Foundation chairman Wilson Agbayani, at Fil-Chi Media Productions, Inc. chief operating officer Loraine Tan.

Angeline ‘di nag-inarte sa concert

Hindi nagpa-star si Angeline Quinto. Walang isyu sa kanya na makasama at makipagsabayan sa concert sina Kyla, Radha, Liezel Garcia at Jayda Avanzado. May production number pa sila na gaganapin sa September 7. Gaganapin ito sa Metro Tent Convention Center sa Pasig .

Equal naman daw ang exposure ng lima at walang diva-divahan sa show.

Nakiisa si Angeline sa isang benefit concert ng Outbox Media Powerhouse Corporation na pinamagatang Limitless: Empo­wered Women, Empower Women.

Bahagi ito ng selebrasyon ng 12th anniversary ng Outbox Media na ang managing director ay si Rossel Velasco Taberna, asawa ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna.

Magiging front acts ang mga anak nila na sina Zoey at Helga.

Ang naturang concert ay sinuportahan ng Foton Motors Philippines, San Miguel Corporation, Sta. Elena Development & Construction Corporation, Palayan City Business Hub, Petrol Jeans, Hotel Sogo, Waterfront Hotel, Acacia Hotel, Bounty Fresh Chooks To Go, Eurotel, Oishi, New San Jose Builders, PA Properties, Mega­soft, Chinese General Hospital, Rite N Lite, Ferna, JC Premiere, King Cup Sardines, Courbe, Phoenix, Grab, Uratex.

Talbog!

Katrina kinarma

Positibo si Katrina Halili sa totoong buhay pero sa top-rating Afternoon Prime series na The Stepdaughters, tila pabagsak na sa lupa ang kanyang karakter as Isabelle.

Hinahabol na siya ng karma dahil pati ang pamilya at mga kaibigan niya kontra na rin sa kanya!

Habang hirap na hirap siya, sealed with a kiss naman ang renewed relationship nina Francis (Mikael Daez) at Mayumi (Megan Young). Ito na nga ba ang katapusan ng kasamaan ni Isabelle?

Tutok lang tuwing hapon sa The Stepdaughters pagkatapos ng Contessa sa GMA Afternoon Prime.

Mikee sobrang takot kay Cherie

Nangyari na nga ang ina­abangan ng lahat ng viewers sa telebisyon—ang gawin ni Cherie Gil ang iconic niyang eksena sa ‘Bituing Walang Ningning’ nang pagtatapon ng tubig sa kahit na sinong co-star niya sa Onanay.

Pero ang nasampolan nito sa kuwento ay ang Kapuso star na si Mikee Quintos na siyang gumaganap bilang si Maila.

Aminadong sobrang takot ang naramdaman ni Mikee nang ishoot ang nasabing eksena.

Jeniel waging Miss Tourism Universe

Nanalong Miss Tourism Universe­ 2018 si Jeniel Ela Veloso Estrella,­ 18 years old. May sukat­ na 34-25-36.

Pangarap niya talagang­ maging­ beauty queen kaya nagpursige siyang matupad ito. Sa ngayon ay kumukuha siya ng Bachelor of Science in Travel and Tours Management sa Lorma Colleges sa San Fernando City Siya ay under Baraka Ambassadors Management International Artist Center.