Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mr. M tinangging utak sa ober da bakod ni Bea

0 255

Nilinaw ang star builder na si Johnny Manahan na never niyang inimpluwensiyahan si Bea Alonzo sa desisyon nitong lumipat mula ABS-CBN patungong GMA-7.

Aniya, sariling desisyon daw ng aktres ang paglipat at hindi rin daw siya kinunsulta nito.

Nagkataon lang daw na nagkasabay ang kanilang paglipat sa Kapuso network.

Lagi raw naman niyang ipinapayo sa mga artistang naging malapit sa kanya na pag-isipang mabuti ang anumang career move na gagawin nila.

Aniya, ang plano raw talaga niya ay mag-retire na. Pero, naroon daw ang ítch’ sa kanya at ayaw niyang maburyong na lamang sa bahay nang walang ginagawa.

Blessing in disguise raw na dumating ang offer ng GMA-7 na inilatag muna sa kanya bago niya tanggapin.

“In a way, I could not refuse that offer. It’s work, I go where there’s work and where people need us, where people respect us,”makahulugan niyang pahayag.

Dagdag pa ni Mr. M, parang nabuhay daw uli ang passion niya for training new artists, lalo pa’t very warm naman ang ginawang pag-welcome naman sa kanya ng executives ng GMA-7.

Ayon pa kay Mr. M, excited na siyang makilala at makatrabaho ang prized homegrown talents ng Kapuso network tulad nina Alden Richards, Marian Rivera at Dingdong Dantes.


Catriona sumawsaw kay Boy Abunda

Sa kabila ng nangyaring pagkakamali ni 2018 Ms. Universe Catriona Gray sa pagtawag kay Ms.Valenzuela na Ms.Venezuela sa nakaraang Bb. Pilipinas

coronation night, nakuha pa rin ng beauty queen na maka-get over agad sa kanyang experience.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakuha pa nga nitong magbiro at magpaka-witty sa kanyang Instagram post tungkol sa mind-blogging question ng huradong si Boy Abunda sa isang contestant.

Naligalig kasi ang mga vahlah at beaucon aficionados sa tanong ni Tito Boy na sa isang kontesera na:

“When is it okay not to be okay? And when is it not okay to be not okay?”

Caption naman ni Cat sa kanyang post:

‘Ito po ang sagot ko kay Tito Boy, when it’s okay not to be okay. Char. 🤣✌”(with laughing and peace emojis).

Natawa naman ang followers niya sa kanyang sagot o pag-charot kay Tito Boy.

Ito ang ilan sa kanilang komento.

“Witty muning.”

“Hahaha akala ko lang yung mali pangrinig don.”

“Bacla ng taon ka talaga memsh!”

“Pahila po ng bangs ate cat “

Leave A Reply

Your email address will not be published.