Abante Tonite
Mabilis sa Balita

MRT-3 biyahe pumalya sa kuryente

0 118

Nagpatupad ng `provisional service’ sa biyahe ng kanilang mga tren ang Metro Rail Transit (MRT) Line 3 dahil sa naganap na aberya nitong Linggo ng hapon.

“ADVISORY: At 2:35pm, MRT-3 implemented provisional service from North Avenue station to Shaw Boulevard station (both bounds), with 11 trains running, due to overhead catenary system (OCS) power failure at Guadalupe station to Ayala station (southbound),” base sa abiso ng MRT-3 dakong alas-2:35 ng hapon.

Inayos ng mga tauhan ng MRT-3 ang aberya at tiniyak ng pamunuan nito na maglalabas din agad sila ng abiso sa sandaling maibalik na ang full operation ng kanilang mga tren. (Dolly Cabreza/Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.