Abante Tonite
Mabilis sa Balita

MRT-3 commuter ginhawa sa maayos na escalator, elevator

0 142

Inihayag ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na ‘fully operational’ na ang lahat ng mga escalator at elevator ng Metro Rail Transit (MRT-3).

Aniya, nakumpleto na ng Sumitomo-MHI-TESP ang pagkukumpuni sa mga hindi gumaganang unit. Dahil dito, magagamit na ng mga pasahero ng MRT-3 ang 46 escalator unit at 34 elevator sa mga istasyon.

Ang pagsasaayos ng mga escalator at elevator ay bahagi umano ng komprehensibong rehabilitasyon ng MRT-3 na ipinangako ng DOTr chief. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.