Abante Tonite Interactive

MRT-3 tumirik sa Makati, 400 pasahero pinababa

296

Mahigit 400 pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 ang pinababa matapos makaaberya ang sinasakyan nilang tren sa Magallanes, Makati City Martes ng hapon.

Dakong alas-4:30 nang hapon nang tumirik ang isang tren ng MRT-3 sa south bound portion ng interstation ng Ayala at Magalanes.

Nagbabaan ang mga pasahero at napilitang maglakad na lamang sa riles patungo ng istasyon.

Sinabi ng pamunuan ng MRT-3 na technical problem ang nangyaring aberya subalit ilang pa-sahero ang nakaamoy umano ng usok sa loob ng tumirik na tren.

Bandang alas-5:16 nang hapon nang maibalik sa normal ang operasyon ng MRT-3.

Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 sa panibagong aberya ng kanilang tren.

Noong Semana Santa ay hindi bumiyahe ang mga tren ng MRT-3 dahil isinailalim ang mga ito sa pagkukumpuni. (Armida Rico)