Abante Tonite
Mabilis sa Balita

MRT may libreng sakay sa mga PWD

0 31

Libre ang sakay ng persons with disabilities (PWD) sa mga piling oras simula ngayong Hulyo 17 hanggang Hulyo 23 sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) bilang pakikiisa sa 43rd National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) week.

Ayon sa MRT-3, maaaring ma-avail ang free service mula alas-siyete hanggang alas-nuwebe ng umaga at mula alas-singko hanggang alas-siyete ng gabi.

Ang mga PWD ay kailangan lamang magpakita ng PWD identification card sa MRT-3 security personnel.

“Kaisa ang buong hanay ng MRT-3 sa pagkilala at pagsulong ng mga karapatan ng mga kapatid nating PWD,” sinabi ng pamunuan ng MRT-3.

Ang National Council on Disability Affairs (NCDA) ang nangunguna sa NDPR week, na may tema ngayong taon na ‘Kalusugan at Kaunlaran ng Pilipinong may Kapansanan, Isulong sa Gitna ng Pandemya’. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.