Abante Tonite
Mabilis sa Balita

MRT tigil biyahe sa pagsirit ng COVID carrier

0 270

Pinatigil muna ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 infection sa mga empleyado nito kung saan ang ilan ay nagtatrabaho pa sa mga istasyon ng tren.

Ayon sa pahayag ng pamunuan ng MRT, mula July 7 hanggang July 11 ay hindi na muna babiyahe ang kanilang mga tren para matapos na ang pagpapa-test ng mga empleyado nila.

Magsasagawa rin ng disinfection sa mga pasilidad ng MRT-3.

“As resolved by the Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), and following the increasing number of personnel who tested positive for COVID-19, the MRT-3 will temporarily suspend its operations starting Tuesday, 07 July 2020,” pahayag ng MRT management.

Sa ngayon nasa 186 na ang mga nagpositibo sa COVID-19 na empleyado ng MRT-3, 17 dito ay naka-assign sa mga istasyon.

Dahil dito, magde-deploy ng 90 bus para makatulong sa mga sumasakay sa MRT-3. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.