Abante Tonite Interactive

MRTirik na naman

130

Muli na namang tumirik ang isang tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) Linggo nang umaga.

Ayon sa pamunuan ng MRT, nasira ang isang stretcher bar sa North Ave­nue Station na kung saan apektado ang biyahe mula Shaw Boulevard hanggang Taft Avenue at agad namang pinalitan ang nasirang stretcher bar bandang alas-9:00 nang umaga at isinasailalim sa retightening at calibration.

Bumalik sa normal ang operation bandang alas-12:22 nang tanghali na nakitaan ng pagdagsa ng mga pasahero at pagkainis naman ng ilan dahil tumirik na naman ang MRT. (Vick Aquino)