Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mrytle happy sa mga Kapamilyang lumipat

0 143

NI: VINIA VIVAR

Bago pa man nagkaroon ng pandemic followed by ABS-CBN shutdown in May ay nakalipat na si Myrtle Sarrosa sa GMA-7. Kaya naman naiintindihan daw niya ang mga dating kapwa-Kapamilya stars na lumilipat ngayon sa Kapuso.

“I’m happy kung ‘yun ‘yung mga current choices nila, kasi I did the same choice,” pahayag ni Myrtle sa Zoom presscon niya kahapon para sa Sisters Sanitary Napkin na kanyang ine-endorso.

“And gusto ko ring maging masaya sila because at this point, it’s very hard to put food on your table. You see your savings going down…”

Bukod pa nga rito, aniya ay hindi natin sigurado lahat kung ano ang susunod na mangyayari.

“Life is too short and we’re not sure what to happen, so, ngayon na binibigyan din sila ng work and opportunities, of course, I’m really happy,” ani Myrtle.

Nag-renew ang aktres ng kanyang kontrata bilang Ambassadress ng Sisters Sanitary Napkin at nagpapasalamat siya na sa kabila ng pandemic ay may mga blessings pa rin na dumarating sa kanya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.