Abante Tonite Interactive

Mrytle inunahan ang pagsara ng Dos

1,470

Matunog ang balitang nag-ober da bakod na si Mrytle ­Sarrosa sa GMA 7.

Ayon sa ­aming source ay nakita umano sa bakuran ng Kapuso ang aktres. Si Atty. Ferdinand Topacio daw ang ­tumulong sa kanya sa ­paglipat.

Sey pa ng aming source inunahan pa raw ni Mrytle ang napipintong pagsasara ng ABS-CBN 2. Ito’y dahil sa pro­blema ng renewal ng prangkisa ng istasyon.

Balita rin na sa February 16 pa maglalabas ng detalye ang Kapuso network sa paglipat ng seksing aktres.

Kilala si Mrytle bilang big winner ng Pinoy Big Brother: Teen Edition 4. Na­ging member din siya ng Star Magic Angels. (Roldan Castro)