Abante Tonite Interactive

Ms. Multinational PH: Dalaga na si Isabelle!

567

Iba ang ipinakitang awra ni Isabelle de Leon sa pagrampa niya sa katatapos na Miss World Philippines 2019. Itinanghal siya bilang Miss Multinational Philippines 2019.

Kung nasanay ang madla na nakikita ang Kapuso actress na kumakanta at sweet ang image, or kung tumatak sa marami ang pagiging isang child actress niya – lalo na sa kanyang 2003 movie na “Magnifico” bilang batang may cerebral palsy na karga-karga ni Jiro Manio – ngayon ay ibang Isabelle na ang nakikita ng publiko.

Siya ngayon ay larawan ng isang dalagang sopistikada, sexy at umaapaw sa sex appeal!

Nakipagsabayan nga si Belle (nickname ni Isabelle) sa mga naggagandahan at nagseseksihang dalaga na pang-beauty queen ang porma recently at dito’y lumutang ang kanyang angking ganda at talino, at nag-uwi nga ng korona.

“I feel really, really grateful. It has been a very, very memorable thirty days of my life and I’m just really grateful po,” saad ng 25-year-old na singer/actress sa panayam sa kanya ng GMA News Online.

Kung noong child star pa lang siya ay marami ang naku-cute-an kay Isabelle, ngayon ay maraming barako ang nanggigigil sa kanyang taglay na alindog. Kaya kung wala siyang BF ngayon, tiyak na dudumugin siya ng mga kalalakihan na nangangarap na masungkit ang matamis na ‘oo’ ng dalaga. (Nonie Nicasio)