Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ms.Universe Philippines pinagpipistahan

0 125

NI: ALWIN IGNACIO

Dahil nga mas sineseryoso nating lahat ang beauty pageants, hindi na kataka-taka at mas lalong hindi nakakahibang kung bakit halos lahat ng mga bading, berdadero man o mga pamhinta, pinakatutukan talaga ang the very first Ms. Universe Preliminaries.

Matapos ang prelim salvo ng Ms. U-Philippine, aliw na aliw ako sa summation ng isang kaibigan sa nasabing paandar: “Looking for the phenomenal woman in a mediocre presentation. My diva friend, ang chaka. Pati gowns!”

Naku, with a tandang pandamdam ang reactions ng friend ko who predicted the win of Queens Pia Wurtzbach and Catriona Gray, huh!

Buti na lang at nahimasmasan ang kanyang nagmamarkulyong damdamin sa hinirang na best in long gown, si Ysabella Ysmael ng Paranaque at ang best in swimsuit na si Rabiya Mateo ng Iloilo.

May vote of confidence rin siya sa alindog, talino at rikit nina Christelle Abello ng Aklan, Alaiza Flor Malinao ng Davao, Tracey Maureen Perez ng Cebu City at Kimberly Hakenson ng Cavite.

My gosh! Kung hindi kagandahan ang Ms. Universe Philippines Prelimanaries, aasa pa ba tayo na may marked improvement ito come major pageant time na mangyayari ngayong Linggo ng umaga?

Leave A Reply

Your email address will not be published.